30 DAYS NA SICK LEAVE SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS IGINIIT

guro12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON na ng sick leave ang mga public school teachers sa sandaling maaprubahan at maging batas ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil dito.

Hindi lamang 15 days SL tulad ng ibibinigay sa mga manggagawa sa pribadong sektor kundi 30 days ang nais ibigay ni ACT party-list Rep. France Castro sa mga public school teachers sa kanyang House Bill (HB)  5349 o “An Act Providing Sick Leave Benefits of Thirty Days per year for Public School Teachers”.

Ayon  kay Castro, sa ngayon ay walang ibinibigay na SL sa mga public school teachers sa dahil sa umiiral na rules and regulations ng Department of Education (DepEd).

“Public school teachers have long been complaining of not being afforded sick leave benefits within the school year because they are allegedly already covered by the leave benefits granted to those on ‘teachers leave basis,’ namely, service credits and the Proportional Vacation Pay (PVP),” ani Castro sa kanyang panukala.

Ang mga nabanggit na benepisyo ay ibinibigay sa panahon summer o school vacation at hindi umano napakikinabangan ng mga public school teachers ang mga nabanggit na benepisyo dahil karaniwang nagagawa ang mga ito sa ibang trabaho tulad ng Brigada Eskuwela, sa panahon ng eleksyon o kaya kapag nagkaroon ang mga ito ng census survey.

Ang masaklap pa umano, kapag nagkasakit ang mga ito sa panahon ay klase ay trabaho binabawasan ang kanilang sahod.

“Public school teachers deserve sick leave benefits especially in light of the heavy workload which they are made to bear including various tasks not related to teaching,” ani Castro.

 

190

Related posts

Leave a Comment