(NI HARVEY PEREZ)
TINIYAK nitong Miyerkoles ng Commission on Elections (Comelec) na 45 party-list groups ang tiyak nang makakukuha ng puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa isang pulong balitaan ng alas 4:00 ng hapon, o may tatlong oras bago ang proklamasyon, kabilang umano sa partylist group na ipoproklama ang ACT-CIS, Bayan Muna, Ako Bikol, Cibac, Ang Probinsiyano, 1Pacman, Marino, Probinsiyano Ako, Senior Citizens, Magsasaka, APEC, Gabriela, An Waray, Coop-Natcco, Philreca, ACT Teachers, Ako Bisaya, Tingog Sinirangan, Abono, Buhay, Duterte Youth, Kalinga, PBA, Alona, Recoboda, BH, Abang Lingkod, CWS, A Teacher, Bahay, BHW, TUCP, Sagip, GP, Manila Teachers, Magdalo, RAM, Anakalusugan, Ako Padayon, Aambis-Owa, Dumper PTDA, TGP, Patrol, AGAP, at LPGMA.
Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang kompyutasyon kung alin-alin pang grupo ang ipu-proklama.
“We have 45 party-list organizations, a few are still undergoing computations on whether or not they would be given a seat,” ayon kay Jimenez.
Magugunita na sinabi ni Jimenez na may 61 pwesto sa Kongreso ang nakalaan sa party-list representatives.
Kaugnay nito, nilinaw ni Jimenez na hindi nangangahulugan na sa 61 party-list groups din magmumula ang naturang bilang, dahil may ilang grupo ang maaaring mabigyan ng hanggang tatlong pwesto, depende sa botong nakuha nila sa halalan.
147