66 NEW COVID-19 CASES SA REGION 8, PAWANG LSI

MGA indibidwal na nagbalik-probinsya ang 66 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Region 8.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez, Chief Implementer of the government’s national policy on addressing the coronavirus pandemic, na ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon at sa lalawigan ng Lanao ay matapos pauwiin ang ilang locally stranded individuals (LSIs).

“Pagdating po doon ay tinest po sila dahil po ‘yung Region 8 meron na po tayong dalawang testing center do’n, tinest po sila ng polymerase chain reaction machine, at mayroon po silang nakuha na 66,” ayon sa kalihim.

“Gano’n din po ang nangyari sa Lanao, dahil din sa LSIs ay nagkaroon po sila ng new cases na 30,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, pansamantalang sinuspinde ng pamahalaan ang Balik Probinsya program, isang long-term initiative para sa mga residente ng Metro Manila na nagnanais na bumalik sa kani-kanilang mga lalawigan upang bigyang daan ang LSIs.

Ang pamahalaan ay may hiwalay na Hatid Probinsya program, na siya namang nagdala pauwi sa mga LSI pauwi ng kanilang probinsiya. CHRISTIAN DALE

81

Related posts

Leave a Comment