66K KASO KINASANGKUTAN NG MGA BAGETS

child1

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL mabait ang Republic Act No. 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act” sa mga batang 15 anyos pababa, lumobo ng lumubo ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad simula nang maging batas ito noong 2006.

Ito ang isa sa mga dahilan kaya itinulak ng House committee on justice ang pagpapatibay sa panukalang ibaba sa siyam na taong gulang ang criminal responsibility ng mga kabataan.

Sa panayam kay Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, sinabi nito na base sa kanilang hawak na record, bago naipatupad ng nasabing batas ay umaabot lamang sa 2,000 ang average ng krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan.

“Dati before 2006, less than 2000 lang ang average of krimen of children with conflict of the law. After that, tumaas na ng tumaas. Pina-compute ko nga sa secretariate (at lumabas na) from 2006 hanggang 2016, sixty six thousand (66,000) crimes ang na-commit ng mga bata,” ani Leachon.

Indikasyon umano ito na sinamantala ng mga kabataan at mga crime syndicate ang pagkakataon para gumawa na krimen gamit ang mga menor de edad dahil alam ng mga ito na hindi sila mapaparusahan.

Sa katunayan aniya sa kanilang pagdinig sa nasabing panukala, lumabas na may mga batang may dala-dalang birth certificate para kapag nahuli ang mga ito sa paggawa ng krimen ay makakalusot sila sa kanilang pananagutan.

“Nangyari yan sa aming pagdinig, may nagtestigo na talagang dala-dala ang birth certificate. Ibig sabihin alam niya na gumagawa siya ng krimen at alam niya rin kung paaano malulusutan” ani Leachon.

Subalit sa ilalim ng pinagtibay na panukala, lahat ng mga batang makakagawa ng mga henious crime tulad ng rape, murder, homicide, arson, parricide at sangkot sa ilegal na droga ay agad na dadalhin sa Bahay Pag-asa para ireporma.

Maging ang mga magnanakaw lalo na kung paulit-ulit ng ginagawa ng batas ang krimeng ito ay obligadong dadaan sa mandatory intervsion ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Hindi sila ikukulong. Dadaan lang sila ng intervention program ng DSWD,” ani Leachon taliwas sa paniniwala umano ng marami na isasama ang mga ito sa mga ordinaryong inmates sa mga ordinaryong kulungan.

 

194

Related posts

Leave a Comment