(BERNARD TAGUINOD)
KAILANGANG simulan na ng Department of Health (DOH) ang malawakang information campaign sa kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19 dahil kung hindi ay masasayang lang ang bilyun-bilyong piso na halaga ng bibilhing bakuna ng gobyerno.
Ginawa ni Deputy Speaker Neptali “Boyet” Gonzales II ang nasabing panawagan kay Health Secretary Francisco Duque habang hindi pa dumarating ang mga inoder na COVID-19 vaccines.
“While the country is still currently at the phase of waiting for the arrival of the vaccines, now is the right time to launch a massive educational campaign drive on the COVID-19 vaccines,” ani Gonzales.
Sa ngayon ay wala pang information campaign na inilunsad ang DOH para hikayatin ang publiko na magpabakuna upang magkaroon ng immunity sa COVID-19 vaccines na pumatay na ng mahigit isang milyong tao sa buong mundo.
“All the billions of pesos appropriated by the government will simply go to waste if a substantial number of the people targeted by the vaccination program of the government will just refuse to be vaccinated, out of fear borne out of lack of information and understanding of the advantages of having it,” anang mambabatas.
Ayon sa mambabatas, nagsagawa sila ng online survey na sinalihan ng 1,100 respondent na tinanong kung magpapabakuna o hindi ng COVID-19 vaccines.
“At least 70% are against having themselves vaccinated because of safety concerns and basic lack of knowledge. Thus, as of now, a massive information campaign drive should really be fast-tracked on the ground level, so that the government’s national vaccination program will fully be successful,” ayon pa kay Gonzales.
Ang gobyerno ay naglaan ng P72.5 billion para pambili ng bakuna bukod sa pondo ng mga local government unit (LGU) at mga pribadong sektor kaya kung ayaw magpabakuna ang mga tao ay mawawalan umano ito ng silbi.
Ipinaliwanag ng mambabatas na may expiration ang mga bakunang bibilhin kaya kailangang maibakuna agad ito subalit kung tatanggi ang publiko dahil sa kawalan ng impormasyon ay walang magagawa ang pamahalaan at masasayang lamang ang pondo.
