90% SERVICE CHARGE SHARE NG MGA CREW OK SA KAMARA

crew

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINALAMPAG  ng isang mambabatas ang Senado para ipasa ang panukalang batas na magtataas sa share ng mga service crew at mga ordinaryong empleyado ng mga restaurant, hotel at mga kahalintulad na establisyemento sa service charge collection ng mga ito sa kanilang mga customers.

Umaasa si Ang Kabuhayan party-list Re. Dennis Laogan na sa lalong madaling panahon ay magkaroon na ng counterpart bill sa House Bill 8784 na matagal nang ipinasa ng Kamara.

Sa ilalim ng nasabing panukala, itataas sa 90% ang share ng mga service crew, rank-and-file employees at mga supervisory employees sa mga nakokolektang service charges sa kanilang mga customers.

Naging kalakaran na sa halos lahat ng mga restaurant, hotel at mga kahalintulad na establisyemento na mangolekta ng service charge sa kanila sa kanilang mga customers.

Umaabot ng hanggang 10% sa kabuuang bill ng mga customers ang sinisingil ng mga ito sa kanilang mga customers subalit 85% lamang ang ibinibigay ng management sa kanilang mga empleyado.

“It’s high time that we recognize the hard work of our lowly employees. They are the ones who deal with client and customers day in day out regardless of the circumtances they are in. They are the unsung heroes and they rightly deserve to be given the proper importance and recognition,” anang mambabatas kaya nito  itaas sa 90% ang share mga empleyado sa makokolektang service charges.

Nabatid na ihinain nina Sens. Joel Villanueva at Cynthia Villar ang Senate Bill 1299 bilang counterpart bill subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakakapasa ito sa nasabing kapulungan.

166

Related posts

Leave a Comment