TULAD ng mga lumabas sa mga survey, dinodomina ng mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 12 bakanteng upuan sa Senado matapos manguna ang mga ito sa partial at unofficial result ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Sa unang bugso ng canvassing of votes ng PPCRV, nanguna si Sen. Cynthia Villar sa botong 93,660 votes na sinundan ni Sen. Grace Poe sa 83,250 at ikatlo si Bong Go na nakakuha ng 73,786.
Sumunod ang nagbabalik Senado na si Taguig-Pateros Rep. Pia Cayetano na may botong 72,105 at dating Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa botong 67,102 boto na nakuha.
Nasa ika-6 ang Sen. Sonny Angara na nakakuha ng botong 65,918 boto at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mayroong 65,816 boto habang si dating Sen. Lito Lapid ang ika-8 sa botong 65, 763.
Pumasok sa ika-9 na puwesto si Francis Tolentino na may botong 56,274 votes; Nancy Binay sa ika-10 puwesto na nakakuha ng 55,616 votes; dating Sen. Ramon “Bong” Revilla na may 53, 528 votes; ika-12 si Sen. JV Ejercito na may 52,097 votes.
Naka-13 puwesto naman ang Otso Diretso candidate na si Sen. Bam Aquino sa botong 51,605 votes sumunod si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa botong 51,017 botong nakuha, ika-15 si dating Sen. Jinggoy Estrada sa botong 43,508 boto na nakuha at dating Sen. Mar Roxas sa ika-16 puwesto sa nakuha nitong 36,004 boto.
Sa top-16 na nangunguna sa bilangan, tanging sina Poe, Lapid , Aquino, Roxas, Binay ang hindi kandidato ni Pangulong Duterte
166