AFP NAKAALERTO SA ANIBERSARYO NG CPP-NPA-NDF

npa26

(Ni FRANCIS ATALIA)

PINAG-IINGAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko sa posibleng pag-atake ngayon ng mga rebeldeng grupo kasabay ng pagdiriwang nila ng anibersaryo.

Ayon kay AFP spokesman Col. Noel Detoyato, ngayon ay ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) kaya nakaalerto ang puwersa ng pamahalaan sa anumang banta ng pag-atake ng NPA.

Pinayuhan naman ang mamamayan na pag-ibayuhin ang pag-iingat  sapagkat sila ang unang naaapektuhan ng bakbakan ng militar at rebelde.

Aniya pa, nakadepende sa mga field commanders ang ibababang alert level laban sa mga banta sa iba’t ibang lugar.

Binatikos pa ni Detoyato ang pagdiriwang ng CPP-NPA-NDF dahil wala naman sila umanong achievement na maipagmamalaki. Hinikayat naman niya ang mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.

621

Related posts

Leave a Comment