AFP, PNP HIWALAY NA PINULONG NI PDU30

HIWALAY na nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi, Hulyo 3 sa mga kapulisan at kasundaluhan.

Kasama sa pagpupulong ang mga hepe ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa video message ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iisa lamang ang naging mensahe ni Pangulong Duterte at iyon aniya ay siguraduhin na magkakaroon ng katarungan, makukulong at parurusahan ang lahat ng mga nagkasala sa Sulu shooting incident.

Bukod aniya sa apat na sundalo na miyembro ng Hukbong Sandatahan, kasama na ang major na napatay sa Jolo, Sulu.

“Sabi po ng Presidente, he is appealing to both the PNP and AFP na huminahon. Ang kanyang plea po ay bigyan ng pagkakataon na mag- imbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI), and to quote the President..ang sabi niya.. “I’ll give you my word as President na matapos ang imbestigasyon at mayroong probable cause, ipalilitis at parurusahan ang mga nagkasala.”

Samantala, sa ngayon naman aniya ay tutulak sila sa Tawi-Tawi upang salubungin ang unang 300 Filipino na pinauwi galing sa Sandakan, Malaysia na darating na.

Makakasama aniya nila si Defense Secretary Delfin Lorenzana at IATF-EID Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. (CHRISTIAN DALE)

146

Related posts

Leave a Comment