AFTERSHOCKS PATULOY NA NARARAMDAMAN

phivolcs

(NI JEDI PIA REYES)

NAKARARAMDAM pa rin ng aftershocks sa mga malalakas na lindol na naranasan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Hanggang alas-8:00 ng Linggo ng umaga, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 883 aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nuong Lunes. Mula sa nasabing bilang, 111 ang plotted habang 11 ang may intensity o naramdaman.

Nakapagtala rin ng aftershocks sa magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar na umabot na nitong Linggo ng 158 kung saan ay 33 ang plotted at anim ang naramdaman.

Aabot naman sa 481 ang aftershocks ang namonitor ng Phivolcs dahil sa malakas na lindol sa General Luna, Surigao del Norte. Nasa 173 ang plotted habang tatlo ang may intensity.

Samantala, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroon pa ring limang indibidwal na nawawala sa Region 3 matapos ang lindol sa Castillejos, Zambales.

Sa huling situational report ng NDRRMC, 3,632 pamilya o katumbas ng mahigit 17,410 na indibidwal ang apektado sa 41 barangay sa nasabing rehiyon.

Naitala rin ang 1,549 na bahay na napinsala sa Bataan at Pampanga habang mayruon pang 334 istruktura at gusali ang nasira sa Region 1, 3, National Capital Region at Calabarzon.

Nasa mahigit P505 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga eskuwelahan, kalsada at tulay sa Region 1, 3, Calabazon at NCR.

168

Related posts

Leave a Comment