APELA NG DND SA NCR: EARTHQUAKE DRILL SERYOSOHIN

INIHAYAG ng Philippine Institutes of Volcanology and Seismology (Phivolcs), posibleng umabot sa 33,000 ang bilang ng masasawi at masasaktan sakaling sa Metro Manila tumama ang 7.4 na lindol na naganap kamakailan sa Surigao del Sur.

Ito ang dahilan kaya nanawagan si Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro sa publiko na seryosohin ang isinagawang earthquake drills kasunod ng naganap na paglindol sa Sarangani at Surigao del Sur.

Hindi rin inaalis ng mga eksperto na magkakaroon ng magkasunod o magkasabay na malakas na paglindol sa Pilipinas dahil sa rami ng active fault lines.

Nilinaw ni Phivolcs chief Teresito Bacolcol, ang naganap na November 17 earthquake sa Sarangani ay hindi konektado sa naganap na paglindol kamakailan sa Hinatuan, Surigao del Sur, dahil magkaiba umanong earthquake generators ang dahilan ng pagyanig.

“We have 6 active trenches and we have 175 active faults, so there is always a probability na pwedeng magkasabay,” ayon sa eksperto.

Dahilan para muling ipaalam sa sambayanan na ang kahalintulad na magnitude 7.2 earthquake na magmumula sa West Valley Fault, ay maaaring maging dahilan ng 33,000 casualties sa Metro Manila.

Sa ginanap na situation briefing kasunod ng lindol na tumama sa Surigao del Sur, inihayag ng National Disaster Risk Reduction Management Council national chairman …”Uulitin namin ang paalala sa aming mga kababayan at sa mga LGU, na seryosohin ang mga earthquake precautions natin”.

Pinapurihan naman ni Sec. Teodoro ang naging maagap na pagkilos ng Office of Civil Defense kasunod ng lindol na tumama sa Hintuan noong Sabado ng gabi na sinasabing may isang babaeng buntis ang nasawi at may apat na sugatan.

“Awa ng Diyos, hindi malaki ang danyos na nangyari sa lindol na ito,” ayon sa kalihim.

Ang NDRRMC ay inilagay sa Blue Alert nitong Linggo para sa tuloy-tuloy na monitoring at damages assessment.

Patuloy naman ang koordinasyon ng OCD sa NDRRMC at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices tungkol sa naganap na magnitude 6.8 lindol na tumama sa Sarangani, Davao Occidental na kumitil ng 11 katao.

(JESSE KABEL RUIZ)

345

Related posts

Leave a Comment