NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hahabulin ng pamahalaan ang mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong Marcos na may sapat na suplay ng bigas dahil na rin sa pagtutulungan ng administrasyon at pribadong sektor para bigyang katwiran ang presyo at availability ng ‘affordable rice’ sa mga pamilihan at Kadiwa stores.
“Rice supply is sufficient. Prices are, however very variable. The government is working with the private sector to rationalize the prices and make available affordable rice in the market and in Kadiwa,” pahayag ng PCO base sa sinabi ng Pangulo.
Sa kabilang dako, iniulat ng Department of Agriculture na ang mga retailer ay nagbebenta ng bigas sa iba’t ibang ‘price points’ kung saan may P38-P40 kada kilo bilang pinakamura habang may ilan naman na P50 kada kilo ang bentahan.
Bilang resulta, sinabi ng PCO na ipinag-utos ng Pangulo sa DA at Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit na i-monitor ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan sa bansa.
(CHRISTIAN DALE)
178