BAGONG KASUNDUAN NI DU30, XI PING IPINALALANTAD

duterte12

Ni BERNARD TAGUINOD

KABADO ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga bagong kasunduang pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China lalo na’t hindi ito isinasapubliko ng Palasyo ng Malacanang.

Ayon Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, karapatan ng sambayanang Filipino na malaman ang mga nilalaman ng mga piniramahang kasunduan ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping.

“Ito ang pinakamasahol na baratillong pambubugaw ni Duterte sa Pilipinas sa China. Palpak na nga ang gobyerno sa paggigiit sa teritoryo ng bansa, pumirma pa ng mga kasunduan na dagdag pahirap,” ani Brosas.

Sinabi ng mambabatas na tanging ang mga “kasosyong crony” umano ni Duterte ang tiyak na makikinabang sa mga kasunduang ito  habang pagdurusahan naman aniya ito ng sambayanang Filipino lalo na ang mga susunod na henerasyon.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa halip na idetalye umano ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga pinasok na kasunduan ni Duterte kay Jinping ay pinakakalma ito ang mga tao sa kanilang takot na dagdag na  ‘debt trap’ ang mga ito.

“The Philippines already fell for China’s debt trap. The lives of millions of Filipinos are already at stake when he signed yet again a series of loans and agreements with China despite President Xi’s rejection on the country’s landmark win in the international arbitral court,” ayon pa kay Brosas.

Dismayado rin ang lady solon na hindi naipaglaban ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas  sa West Philippine Sea (WPS) matapos hindi kilalanin ni Jinping ang ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pag-aari ng Pilipinas ang mga teritoryong sinakop ng China sa nasabing karagatan.

Pero hindi na ito ikinagulat ni Brosas dahil simula pa lamang ay ‘malambot na siya sa usapin ng West Philippine Sea’ dahil sa mga pangakong pautang ng China sa Pilipinas.

 

514

Related posts

Leave a Comment