BAGONG TATAY MAY DAGDAG 15 DAYS NA PATERNITY LEAVE

daddy

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI  lang ang mga nanay ang makikinabang sa 105 Days Maternity leave na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil maging ang kanilang asawa at magkakaroon na rin ng karagadang 15 days na paternity leave.

Sa ngayon, base sa Republic Act 8187 o Paternity Leave, isang linggo o pitong araw lamang ang ibinibigay na bakasyon sa mga Tatay kapag nanganak ang kanilang asawa.

Subalit sa ilalim ng bagong batas sa maternity leave, naglagay ang mga mambabatas ng probisyon na bigyan din ng 15 days na bakasyon sa trabaho ang mga tatay para personal na maasistehan ang kanilang nanganak na asawa.

Ayon kay  Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, mahalaga ang papel ng mga tatay kapag nanganganak ang kanilang asawa kaya naglagay ang mga ito ng probisyon ng karagdagang 15 araw na paternity leave sa nasabing batas.

“We want to allow husbands to physically and emotionally support their wives during childbirth, and to experience early child-father bonding for a longer time,” paliwanag ni Pimentel.

Hinihintay na lang ang Implementing Rules and Regulation (IRR) sa nasabing batas bago tuluyang ipatupad kung saan mula sa kasalukuyang 60 days na materinity leave ay magiging 105 days na ito.

Tulad ng mga nanay na naka-maternity leave, bayaran din ng buo ang karagdagang 15 days na paternity leave ng mga tatay.

7

Related posts

Leave a Comment