BAGYONG ‘FALCON’ ‘DI NAKATULONG SA ANGAT DAM     

angatdam22

(NI DAHLIA S. ANIN)

KAHIT na tatlong araw na sunud- sunod na pag-ulan ang naganap dala ng bagyong Falcon, mas mababa pa rin sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa pinakahuling tala ng Pagasa dam monitoring report, mas bumaba pa sa 158.38 metro ang tubig sa dam mula sa 158.69 noong Martes ng umaga.

Pati ang La Mesa Dam ay bumaba rin sa 72.53, mula sa 72.55 Martes ng umaga.

Maging ang ilang dam sa Luzon ay minomonitor din ng Pagasa.

Ang Ipo Dam ay bumaba din sa 99.35 mula sa 99.36 noong Martes.

Gayundin ang Binga Dam, mula 568.65 naging 567.69 ito. Ang Ambuklao Dam naman ay tumaas mula sa 741.48 tumaas ito sa 741.76.

Nanatili naman sa 230.55 ang San Roque Dam habang ang Pantabangan Dam ay bumaba sa 188.89 mula sa 188.98 at ang Magat Dam ay bumaba din ang antas sa 180.39 mula sa 180.44.

138

Related posts

Leave a Comment