(NI KIKO CUETO/PHOTO BY CJ CASTILLO)
PATULOY na lalakas ang bagyong Falcon na siyang hahatak sa Habagat na magdadala ng malalakas na ulan sa bansa, ayon sa Pagasa.
Bagaman sa dulo ng o tip ngPilipinas ito tatama, itinaas ang storm signals sa tatlong lugar.
Inaasahan na sa loob ng 24 ay lalakas ito lalo na sa paghatak sa ulan mula sa habagat na siyang posibleng pagmulan ng baha.
“Furthermore, this weather disturbance is expected to closely approach or make landfall over Babuyan-Batanes Islands area tomorrow evening and may exit the Philippine Area of Responsibility by Friday (19 July),” ayon pa sa Pagasa.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Northern Isabela, Cagayan (kabilang ang Babuyan Islands) at Batanes.
Ang ‘Falcon’ ay namataan 510 km east ng Tuguegarao City na may hangin na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70 km/h.
Nagsuspinde naman ng klase sa sa lahat ng antas sa Cavite City; Almeria, Biliran; Kawayan, Biliran at Albay.
156