BANGKAY NG OFW INIUWING WALANG MATA, LAMAN-LOOB

owwa saudi12

(NI DAVE MEDINA)

NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kalunus-lunos na sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa Kingdom of Saudi Arabia.

Nang iuwi sa bansa, wala ang mga mata, laman-loob at puro pasa ang katawan ni Lemuel Lansangan, 39, sa  kanilang bahay sa Brgy. Anolid, Mangaldan, Pangasinan noong Abril 3. Ito ay makaraan ang apat na buwan matapos siyang patayin ng hindi pa kilalang suspect sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Samantala, may mga pasa si Lansangan sa katawan, palatandaang pinahirapan pa siya bago pinatay.

“Noong binuksan namin ‘yung kabaong niya, parang mummy siya. Nakakatakot itsura. Kasi tinorture pa siya eh,” sabi ni Louie Lansangan, kapatid ng biktima.

Gayundin, humihingi ng tulong ang mga kaanak ni Lansangan kay Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ang hustisya at matukoy ang salarin sa pagkamatay ng biktima.

Nakipag-ugnayan na rin ang OWWA sa Department of Foreign Affairs (DFA)  para sa kaukulang pag-uusap sa counterpart nito sa Saudi.

102

Related posts

Leave a Comment