BIYAHENG TAIWAN; BARIL, BALA NASABAT NG BOC-NAIA

guns

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang kahon ng mga baril at bala na nagkakahalaga ng P500,000 at itinago ng may-ari sa loob ng “solar panel at tool cart”  na dadalhin sana papuntang Taiwan.

Ayon sa pahayag ni Customs NAIA district collector Mimel Talusan ang nasabing mga baril ay walong walong pistol firearms na kinabibilangan ng Glock 19-9MM; Heckler & Koch P2000 V3 Pistol, 20 ammunition magazines at 266 live ammunition.

Nadiskubre ang mga naturang baril at bala ng  taga Customs sa isang warehouse  sa Pasay City noong Miyerkoles ng hapon sa pamamagitan ng tinatawag nilang ‘profiling skills ‘ at sa tulong ng BOC NAIA xray examination group na nakaassign sa loob ng naturang bodega.

Sinabi ni Talusan hindi nila papayagang mailabas ng bansa ang baril at bala  sapagkat walang maipakitang supporting documents galling sa Philippine National Police Firearms at Explosive Unit na magpapatunay na legal ang kanilang kargamento.

Sa ngayon hindi muna binanggit ang pangalan ng exporter  ng Customs habang  isinasagawa ang imbestigasyon sa pagkakilanlan ng may-ari at mga kasabwat nito .

106

Related posts

Leave a Comment