BATO: WALANG SIGA SA BUCOR KUNG SERYOSO ANG NAMUMUNO

dela rosa12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IGINIIT ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na kailangang ng seryoso at nakatutok na pamumuno gayundin ang political will upang malunasan ang mga problema sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ng senador na isa rin sa problema sa BuCor, kadalasang nasa huli ang ahensya kung pag-uusapan ang alokasyon ng pondo.

“Ang malungkot dito, ang BuCor napapansin lang nila kapag meron lang issue, may problema pero kung walang problema, tahimik [at] maganda pagpapatakbo sa BuCor wala yan. Ang BuCor ang pinaka-last priority sa pondo ng gobyerno kasi ang attitude ng ating mga mababatas eh bakit ninyo i-priority sa pondo yang BuCor na yan… mga latak ng lipunan yang mga tao dyan,” saad ni Dela Rosa.

“Kung seryosohin talaga may paraan diyan… let us not blame the system, let us not blame the environment, let’s not blame the people running the system, political will lang kung seryosohin mo talagang magbabago yan, bakit hindi,” diin ng senador.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na noong panahon nya sa Bucor, lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) kabilang ang mga notorious drug lords ay sumunod sa kanyang regulasyon at direktiba.

“Sabi ko nga dito sa BuCor ngayon walang ibang siga. Kung sanay kayong mga drug lord kayo na kayo ang siga, ngayon ako ang siga kaya sumunod kayo sa akin. Ganun lang ka-simple… sumunod naman din sila,” diin ni Dela Rosa.

255

Related posts

Leave a Comment