(NI BERNARD TAGUINOD)
DAHIL sa masamang epekto sa kalikasan, nais ng isang bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal na ang paggamit ng mga plastic bottle sa Batasan Pambansa Complex.
Sa House Resolution (HR) 261 na iniakda ni OFW Family party-list Rep. Bobby Pacquiao, dapat manguna ang mga mambabatas sa kampanya na huwag nang gumamit ng mga plastic bottle na nakakasira sa kalikasan.
Si Rep. Pacquiao at kapatid ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na tulad ng senador ay isang boksingero bago pinasok ang mundo ng pulitika.
“Whereas, campaigner Ban the Bottle reports that plastic water bottles can take between 400-1,000 years to decompose,” ani Rep. Pacquiao at tugon aniya ito sa panawagan ng mga environment na bawasan ang paggamit ng plastic dahil masama ang epekto nito sa kalikasan.
Ginawa ng kongresista ang pahayag dahil nakakabahala aniya ang ulat na ang Pilipinas ang ikatlo (sa mundo) na pinanggagalingan ng mga plastic product na napupunta sa karagatan.
Sa mga committee meeting sa Kamara at maging sa mga simpleng pulong kasama ay bottled water ang ginagamit ng mga mambabatas na nais ni Rep. Pacquiao ay ipagbawal.
“Whereas, given the customary use of plastic water bottles in the House of Representatives, there is a clear and urgent need to start reducing the use of the same in government body by prohibiting the use of disposable plastic water bottles in sessions halls, lounge, and in all offices as well as during the committee hearings, technical working group meetings and other gathering held within House of Representatives premises,” ayon pa sa resolusyon ng kongresista.
Nabatid kay Pacquiao na maghahain ang kanyang kapatid na si Sen. Pacquiao ng kahalintulad ng resolusyon sa Senado kung saan umaasa ito na mayroong mga ahensya sa gobyerno ang susunod sa kanilang adhikaing proteksyunan ang kalikasan.
443