(NI DANG SAMSON-GARCIA)
BILANG na ang araw ng nga abusadong taxi driver sa pagsusulong ni Senador Win Gatchalian ng panukalang babalangkas ng bill of rights ng mga pasahero laban sa mga bastos at namimiling drivers.
Sa kanyang Senate Bill No. 730, o Bill of Rights of Taxi Passengers, ipinaliwanag ni Gatchalian na mapipigilan ang mga insidente ng pambabastos ng mga driver sa mga taxi passengers kung papatawan ng parusa ang mga abusado at bastos na tsuper.
“Most of the tourists who come to our country have fallen victims to these enterprising cab drivers. This sad state to our transportation system has been tolerated and ignored for lack of laws that singly protect our commuting public,” saad ni Gatchalian.
Dismayado anya ang marami sa kakulangan ng law enforcers na agad reresponde at aayuda sa hinaing ng mga pasahero.
“In order to address this problem and prevent any more untoward incidents of this nature to occur in the future, a passenger bill of rights is hereby proposed to protect the commuting public from abusive, itinerant, and discourteous drivers and provide sanctions for the offenses they commit against the riding public,” dagdag ng senador.
Alinsunod sa panukala, ang mga taxi passengers ay magkakaroon ng karapatang pagsilbihan ng mga taxi driver na may maayos na pananamit at mayroong company id, at hindi nakainom ng nakalalasing na inumin o nakadroga.
Nakasaad din sa panukala na susunduin at ihahatid ang mga pasahero kung saan man ang kanilang destinasyon, anuman ang kondisyon ng trapiko o gaano man ito kalayo.
Palagian ding dapar nakikita ang metro ng taxi na regular na sumasalang sa calibration.
Nakasaad din sa panukala na lahat ng taxi drivers na lalabag ay papatawan ng multa na P1,000 at suspensyon ng lisensya sa loob ng pitong araw sa unang paglabag; P3,000 multa at suspensyon ng lisensya sa loob ng anim na buwan sa ikalawang paglabag; at P5,000 multa at isang taong suspensyon ng lisensya sa ikatlong paglabag.
175