(NI MAC CABREROS)
DOBLE aksiyon ang Department of Education (DepEd) para maipaliwanag at maidepensa sa Commission on Audit (COA) sa nasilip na maluhong pamumuhay ng mga ito.
“The Department is already working with its internal and regional units to comply with the audit recommendations,” diin ng DepEd sa statement. “Some of the findings are due to late updating of
consolidated reports and reconciliation of voluminous records with implementing units,” dugtong sa statement.
Tila batang mag-aaral na kinastigo ng COA ang DepEd sa natuklasan at hindi maipaliwanag na paggastos gaya ng P13.2 bilyon sa Region 7; P312 milyong training, seminar, midyear at annual planning at assessment activities sa mamahaling resort at tourist spots ng Central Office at P101 milyon sa Region 3.
Pinagpapaliwanag din ng COA ang DepEd sa Region 2 sa ginastos na P45 milyon; P34.5 milyon sa Region 9; P29 milyon sa Region 1; P24 milyong School Based Feeding Program sa Region 11; P20.7 milyong repair at construction mula sa Basic Educational Facilities Fund sa Region 10 at P17 milyong rehabilitation ng school building sa Region 7.
“Most of the accounts have already been reconciled while some are just completing documentation,” diin DepEd.
140