BOTANTE PINAALALAHANAN VS OVERVOTING

comelec

(NI HARVEY PEREZ)

 

PINAYUHAN ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na iwasan ang ‘overvoting’ para sa mid-term elections sa posibilidad na masayang ang kanilang mga boto.

Ayon kay  Comelec Spokesperson James Jimenez,ito ay makaraang mag-endorso ng 13 senatorial candidates ang partidong Hugpong ng Pagbabago. Sinabi ni  Jimenez, sa isang forum sa Maynila, ang overvoting o pagboto ng sobra-sobra sa mga kinakailangang bilang ng elective post ay maaaring magresulta sa stray votes o pagkasayang ng boto, dahil hindi ito bibilangin ng vote counting machine (VCM).

Kung 13 ang pangalan ng kandidato na mai-shade ng botante ay hindi na ito bibilangin pa ng makina at magreresulta sa pagkasayang ng boto sa pagka-senador. Sa kabila nito, mabibilang pa rin naman, aniya, ang mga boto para sa ibang posisyon kung hindi naman nag-overvote dito ang botante.

Kabilang sa 13 ipinroklamang kandidato ng  Hugpong ng Pagbabago ay ang regional party, na pinamumunuan ni Davao City Mayor at First daughter Sara Duterte  sina dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, dating Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa, dating Presidential Adviser Francis Tolentino, dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., dating Senator at Taguig Representative Pia Cayetano, dating Senator Jinggoy Estrada, Senator Sonny Angara, Senator JV Ejercito, Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, Senator Cynthia Villar, Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu, dating broadcast journalist na si Jiggy Manicad, at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

96

Related posts

Leave a Comment