BROWNOUT SA MM, KARATIG LALAWIGAN SA MAYO 17

brownout121

(NI MAC CABREROS)

MAKARARANAS ng pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan ngayong Mayo 17 hanggang Mayo 19, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).

Sa abiso ng Meralco, mapuputulan ng supply ng kuryente ang bahagi ng Buenavista Avenue mula Tagaytay hanggang Calamba Road kabilang na rito ang Rodeo Hills Subd., Lakeview Subd., San Gabriel Subdivision at Buenavista Hills Subd. Phases 1 & 2A; Anya Resort & Residences Tagaytay at Roxaco  Land Corp. sa Barangays Tolentino East, Tolentino West at  City proper.

Dalawang beses na mapuputulan ng serbisyo ng kuryente sa Mayo 18 at 19 ang buong circuit ng Tayabas 48ZY hanggang Botocan 42D saan sakop ang Tayabas – Lucban – Majayjay Provincial Road mula Roma Rosa Subdivision sa Bgy. Mateuna, Tayabas, Quezon Province hanggang  Majayjay – Luisiana Road sa Bgy. Bakia, Majayjay, Laguna; buong bayan ng Lucban sa Quezon at Luisiana sa Laguna.

Mawawalan din ng kuryente ganap alas-11 pm at alas-11:45 pm ng Sabado gayundin alas-6:15 am at alas-siete ng umaga ng Linggo ang sakop ng Circuit 54VD sa Mandaluyong Ciy partikular ang Shaw Blvd. mula EDSA hanggang Stanford St. sa Bgy. Wack – Wack Greenhills East; bahagi ng Calbayog St. mula Samat St. hanggang Kanlaon, L. Esteban, Malinao at Domingo M. Guevarra Sts.; at Highway Hills Integrated School sa Bgy. Highway Hills; bahagi ng Mariveles St. mula Dr. Jose Fernandez St. hanggang Sierra Madre St. kasama ang Banahaw St.; MGM Food and Commodities Corp., Worldwide Corporate Center at Diamond Tower Condominium sa Bgy. Highway Hills; bahagi ng Sultan St. mula Mariveles St. hanggang Bermuda Hotel & Restaurant at Citynet Central sa Bgy. Highway Hills; bahagi ng Sierra Madre St. mula Sultan St. hanggang Domingo M. Guevarra St. sa Bgy. Highway Hills.

Alas-nuebe ng umaga at alas-9:15 ng umaga at alas-tres ng hapon at alas-3:30 maapektuhan ang Circuit Abubot 39XZ sa Dasmarinas, Cavite partikular ang bahagi ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway mula
Meralco – Abubot substation hanggang Jose Abad Santos Ave. (Salitran – Salawag Road); Don Gregorio Heights Subd. 2, Arcontica Village at Southplains Executive Village sa Dasmariñas City proper; kahabaan ng Jose Abad Santos Ave. (Salitran – Salawag Road) mula Gen. Emilio Aguinaldo Highway hanggang Fairway View Subd., Crescent Hills Subd., Amaris Dasma Subd., Sunny Crest Village, Cresta Bonita Village, Ivory Crest Village, Summerwind Village Phases 1 – 3, Summer Meadows Subd., The Orchard Subd., The Orchard Golf & Country Club, Mango Village, Southwood Villas, Andreaville Executive Home Subd., Garden Grove I & II Subds., South Meridian Homes and UPEHCO Subd. in Bgys. Salitran I -IV at Salawag.

Magkakaroon din ng power interrupton sa San Jose Del Monte City, Bulacan ganap alas-12:00 ng tanghali at alas-5:00  ng hapon ng Sabado partikular sa Quirino Highway mula Tialo St. hanggang Igay Road
kabilang ang Carissa Homes North Subd. Phases 2A, Guzman Ville Subd., Highview Royale Subd., Northgate Park Subd. Phases 1 – 3, Northridge Executive Subd., Northridge Royale Subd., Palmera Northwinds Subd. Phase 8A, Sitio Gitna, Sitio Lambakin, Tierra Del Sueño Subd., Villa
Hermano Subd.; Bacood St.; N.S. Salvador Marble & Construction Co. at Ebnezer Christian Academy sa Bgy. Sto. Cristo.

Ginawa ng Meralco ang anunsyo para maabisuhan ang mga apektado na makagawa ng karampatang hakbang.

153

Related posts

Leave a Comment