(NI HARVEY PEREZ)
PANSAMANTALANG inihinto ng Commission on Elections (Comelec) chair Sheriff Abas ang canvassing of votes para sa ikalawang round ng plebisito matapos mabatid na hindi pa nakararating sa Central Office ng Comelec sa Intramuros, Maynila ang mga certificates of canvass (COC) mula sa mga lugar na sakop ng plebesito sa Lanao del Norte at North Cotabato.
Kasabay nito, itinakda na ni Abas ang pagpapatuloy ng canvassing ng mga boto sa Pebrero 11, dakong alas2 ng hapon. Una nang niratipikahan noong Enero 21 ang Bangsamoro Organic Law (BOL) matapos na manalo ang ‘yes vote’ para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BAR) sa unang round ng plebisito.
Tutukuyin naman sa ikalawang round ng plebisito kung anu-anong lugar ang makakakasama sa BAR. Kasama sa ikalawang round ng plebisito ang anim na munisipalidad ng Lanao del Norte kabilang ang Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagaloan at Tangkal, gayundin ang 39 barangay ng mga unisipalidad ng Aleosan, Carmen, Cabacan, Midsayap, Pigkawayan, at Pikit, sa North Cotabato.
126