(NI BETH JULIAN)
WALANG pakialam ang Malacanang.
Ito ang tahasang tugon ng Malacanang sa hirit ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang alegasyong corruption na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa ginagawa ni Cardema dahil wala naman itong kaugnayan sa isyu.
“Kung sinasabing mayroon man korapsyon, dapat magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon,” wika ni Panelo.
Naninidigan ni Panelo na kahit pa naging supporter ng Pangulong Duterte noong 2016 elections si Cardema ay hindi ugali ng Pangulo na makisawsaw sa anumang usapin at sa halip ay hinahayaan lamang ang sinuman na gumawa ng mga hakbang na sa tingin nila ay tama.
Una nang inihayag ni Cardema na nanghingi ng pabor si Guanzon para bigyang akreditasyon ang Duterte Youth Partylist group.
185