(NI DANG SAMSON-GARCIA)
NANINDIGAN si Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaaring muling ipaaresto ng Department of Justice (DOJ) ang 1,914 napalayang heinous crime convicts kasama ang tatlong convicts sa rape-slay sa Chiong sisters noong 1997.
“The DOJ has valid and legal reasons to seek re-arrest of the 1,914 prisoners serving a life sentence but were wrongly released by the Bureau of Corrections (BuCor),” saad ni Drilon.
Sinabi ni Drilon na ang interpretasyon sa batas ay magbibigay ng hustisya sa mga biktima kasabay ng pagsasabing anumang interpretasyon na papabor sa mga akusado ay magdudulot ng pagkawala ng tiwala ng publiko sa justice system.
“It was clearly established that the procedures were not followed and on that basis and in accordance with the case of People vs. Tan, they can be re-arrested. Let them question it in the Supreme Court,” diin ni Drilon.
“Ultimately, it is the Supreme Court that will decide on this,” dagdag pa ng senador.
Nanindigan si Drilon na malinaw na may mali sa pagpapalaya sa mga heinous crimes convicts kaya’t maaari itong bawiin at ipaarestong muli.
Iginiit ng senador na maaaring humiling ang DOJ sa korte ng warrant of arrest.
“They can order the re-arrest of these prisoners, they can go to the courts that convicted these heinous crimes prisoners and seek a warrant of arrest,” dagdag ni Drilon.
148