(NI JESSE KABEL)
NAGBABALA ang Commission on Human Rights na huwag magpadalus-dalos ang mga ahensiya ng gobyerno na nagpa planong ilantad ang pagkakakilanlan ng mga umano’y nasa narco politicians list.
Sang-ayon naman ang CHR na layunin ng mga ahensiya sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) na matiyak na tanging ang mga karapat dapat lamang na kandidato at mga sumusunod sa batas ang dapat na maihalal.
Subalit sinabi ni CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia na kung may sapat silang ebidensiya na nagsasangkot sa droga ang mga politikong nasa listahan ay kailangang magsampa muna sila ng kaukulang kaso laban sa mga ito para managot sa batas.
Una rito inihayag ni Interior Secretary Eduardo Ano na bago pa magsimula ang local campaign period ay ilalabas na nila listahan ng mga narco-politicians.
Sa darating na March 30, 2019, nakatakda magsimula ang local campaign period.
Sinabi ni Ano na magpupulong pa muna sila ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino at Dangerous Drugs Board chief Catalino Cuy kaugnay sa listahan ng mga narco-politicians at saka ito isasangguni kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw pa ng kalihim na patuloy nilang bina-validate ang hawak nilang narco list.
Kailangan umano nilang matiyak na walang mga inosenteng politician ang mapabilang sa listahan dahil unfair ito para sa mga politiko na ginagawa ang kanilang trabaho at hindi sangkot sa mga iligal na aktibidad.
Batay sa record na hawak ng PDEA, nasa 83 politicians ang kabilang sa kanilang narco list.
Karamihan dito ay mga mayor, governors, vice governors, vice mayors at mga barangay chairmen.
Samantala pabor naman si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa paghahain ng kaukulang kaso laban s amga pulitiko na sinasabing dawit o nas alikod ng illegal drug trade.
Nuong nakaraang taon naglabas din ng kanilang listahan ang PDEA na kinapapalooban ng may 200 local officials bago ang ginanap na barangay elections
Subalit nilinaw ni Aquino na susundin nila kung ano ang magiging direktiba ng pangulong Duterte hinggil sa isyu.
(NI JESSE KABEL)
NAGBABALA ang Commission on Human Rights na huwag magpadalus-dalos ang mga ahensiya ng gobyerno na nagpa planong ilantad ang pagkakakilanlan ng mga umano’y narco politicians sa narco list.

160