DAHIL SA PATULOY NA KILOS-PROTESTA SA LEBANON PINOY PINAG-IINGAT

LEBANON PROTEST

(Ni ROSE G.PULGAR)

Dahil sa mga nagaganap na kilos-protesta, inalarma ng embahada ng Filipinas sa Lebanon ang mga Pinoy roon na pag-ibayuhin ang pag-iingat at huwag lumabas ng kanilang tinitirhan.

“Sa mga kababayang Filipino sa Lebanon, mag-ingat po tayo sa ating mga lakarin at gawain,” ayon ito  Philippine  sa Philippine Embassy sa Lebano, nang i-post nila ito kahapon (Sabado) ng umaga sa kanilang official facebook page.

“Para sa ating kaligtasan at mabuting kapakanan, umiwas sa mga lugar na maraming tao, may kilos-protesta, pagsusunog ng gulong at katulad na gawa. Kung walang importanteng dahilan, mas mabuting manatili sa bahay,” ayon pa sa embahada.

Sa mga nangangailangan ng emergency assistance sa Lebanon, maaari aniyang tumawag sa numerong ito 03859430.

Tinatayang nasa 10,000 bilang ng mga protesters ang nag-martsa nitong Biyernes para hilingin na tanggalin ang mga leader na naging sanhi nang pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

Kung saan nagpakawala ng teargas ang mga police sa Beirut  kontra sa mga protesters.

Nanawagan ang Saudi Arabia sa kanilang mga mamamayan na huwag bumiyahe ng Lebanon.

Simula noong 2015, nasa 27,812 bilang ng mga Pinoy ang nakabase sa Labanon, ayon ito sa record ng Department of Foreign Affairs (DFA).

182

Related posts

Leave a Comment