DATING CHIEF PNP NA PATONG SA POGO OPERATIONS, DAPAT MA-VALIDATE

BUKAS si Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasagawa ng executive session kung hihilingin ni PAGCOR Senior Vice President for Security Retired General Raul Villanueva upang isiwalat ang sinasabing dating hepe ng Pambansang Pulisya na nakinabang sa POGO operations.

Sinabi ni Gatchalian ang mga ganitong uri ng impormasyon ay mahalagang mavalidate dahil kung hindi ay nadadamay ang buong organisasyon.

Binigyang-diin ng senador na bago dapat inilabas ni Villanueva ang impormasyon ay tiniyak muna nitong kumpirmado ang lahat.

Idinagdag ng senador na sa kanyang personal na pagsasaliksik, wala siyang natatanggap na impormasyon kaugnay sa dating hepe ng PNP subalit ang alam niya ay mas mababa sa hepe ng PNP.

“Ako personally wala ako nakukuha na info about Chief PNP, may information tayo mas mababa sa Chief PNP…Patuloy din ang pag-validate ng information at intelligence na nakukuha namin, at karamihan ng nakukuha natin through intelligence agencies through executive session,” paliwanag ni Gatchalian sa panayam ng DWIZ.

Samantala, bagama’t huling pagdinig na anya sa Martes ng Senado kaugnay sa POGO operations sa Bamban, Tarlac subalit kailangan pa anya nilang dinggin ang mga impormasyon sa Porac, Pampanga.(Dang Samson-Garcia)

50

Related posts

Leave a Comment