‘DAYAAN’ SA OVERSEAS VOTING BINABANTAYAN

overseas12

(NI MAC CABREROS)

NAGPAABOT ng agam-agam ang mga Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa posibilidad na magkaroon ng dayaan sa ginaganap na overseas absentee voting.

Sa Facebook post ni Juan Carlo na nai-share ni Roberto Baluyot, ng Duterte and Marcos Unite Supporters, pumalya umano ang makina ng Commission on Elections (Comelec) sa Jeddah, KSA.

“Pangalawang araw pa lang ng absentee voting sa Jeddah, KSA, sira na ang PCOS machine, ayaw kainin ang balota namin,” post ni Juan Carlo.

Sinikap nilang kunan ng litrato ngunit pinagbawalan umano sila ng nagtitimon ng voting precinct.

“Pinikturan namin (pero sinabihan kami) na bawal daw at nagalit sila at pinapa-delete,” ayon kay Juan Carlo.

“Wala ba tayong karapatan na picturan o kunan ang nangyayari sa loob ng botohan?” tanong nito.

“Parang nangangamoy dayaan na naman,” diin nito.

Naunang naiulat na nagkaroon ng aberya ang botohan sa HongKong at Rome, Italy.

205

Related posts

Leave a Comment