DEL ROSARIO BALIK-PINAS NA

del rosario12

(UPDATED)

(NI ROSE PULGAR)

NAKABALIK na ng bansa ang dating Foreign Affairs (DFA) secretary Albert del Rosario matapos harangin at pigilan ng Immigration officer na makapasok sa loob ng Hongkong International Airport at i-deny ng Immigration ang kanyang passport ngayong Biyernes.

Halos anim na oras na nai-hold at sumailalim sa pagtatanong ang dating kalihim bago ito pinauwi ng Pilipinas.

Dakong alas-4:32 ng hapon nang dumating si Del Rosario sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Cathay Pacific Flight CX-919 sa halip na alas-8:30 ng gabi pa ang kanyang itinakdang pagbalik sa Pilipinas.

Ayon kay Del Rosario isang paglabag sa Vienna Convention ang ginawa sa kanya ng Immigration sa Hongkong International Airport

Mag-isang dumating si Del Rosario at sinalubong ito ni dating ombudsman Conchita Carpio  Morales.

Si Del Rosario ay may Diplomatic Passport kung saan dadalo sa isang business meeting ngunit hindi pinapasok sa Hongkong.

Dudulog sa DFA si Del Rosario upang hilingin ang diplomatic protest dahil pakiramdam nito ay hinaras siya sa Hongkong at sa kabila ng may diplomatic passport siya at immunity.

Naniniwala si Del Rosario na ang pagkabimbin niya ay may kaugnayan sa inihain nilang reklamo sa International Criminal court laban kay Chinesse President Xi Jinping dahil sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea sa pagtatayo ng artipisyal na isla at pambu-bully sa mga Pinoy na mangingisda.

 

232

Related posts

Leave a Comment