(NI MAC CABREROS)
HINDI exempted sa katiwalian ang Department of Education (DepEd).
Inamin ito mismo ng isang opisyal nito sa panayam ng Saksi Ngayon.
“We cannot say it is corruption free. Kaya nga tutok ang ating kalihim para maiwasan ito,” pahayag opisyal na tumangging magpatukoy.
Naunang nasilip ng Commission on Audit na abot sa P13 bilyon ang hindi maipaliwanag na magarbong paggastos gaya ng pagsasagawa ng seminar at training sa mamahaling resort at hotel.
Pinagsisikapan naman ngayon ng DepEd na kalkalin ang mga dokumento bilang patunay na walang katiwalian sa pagbubuhay hari at reyna ng mga ito.
Kasabay nito, sinang-ayunan ng Teachers Dignity Coalition ang pagpapataw ng parusa sa sinumang sangkot sa anumang anomalya sa DepEd. “We give the DepEd and its concerned offices the benefit of the doubt and we expect explanation from them in relation to the COA
findings. If there are proven irregularities of neglect, both should be dealt with accordingly and those responsible should be held liable,” diin Benjo Basas, national chairperson ng TDC.
Isiningit din TDC ang kanilang kahilingan na dagdagan ang sahod ng mga guro.
“Sa lahat ng gastusin sa edukasyon, teacher ang hindi dapat tinitipid. Dahil bawat pisong ibinibigay sa guro ay sulit na sulit. Mahirap yatang maunawaan na nasasayang ang pondo ng DepEd sa mga error-filled
books at iba pang gastusin pero hindi mabigyan ng nararapat na sahod ang mga guro,” diin Basas.