DEPED KUKUHA NG 10,000 BAGONG TEACHERS

briones12

(NI KIKO CUETO)

KUKUHA ang Department of Education (DepEd) ng 10,000 bagong public school teachers kasunod ng pagpapalabas ng 2019 national budget.

“Sa school hiring medyo na-delay lang, pero nagrerecuit na kami ng mga teachers. Ang dahilan ng pagkuha namin ay hindi dahil kulang kundi para sa student teacher ratio,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

Dagdag ng kalihim, sinimulan na ang pagpapatayo ng 80,000 na bagong silid aralan sa bansa.

Inihayag ito ni Briones isang linggo bago ang pagsisimula ng bagong school year.

Target ng pamahalaan na ibaba sa 45 ang bawat estudyante sa silid aralan sa grade school, at 25 na estudyante  sa kindergarten.

Tiniyak din ni Briones na handa sila sa pagbubukas ng klase sa June 3.

 

135

Related posts

Leave a Comment