DEPED NAGPAALALA VS FOOD SAFETY STANDARD SA SCHOOLS

deped65

(KEVIN COLLANTES)

PINAALALAHANAN  ni Education Secretary Leonor Briones, ang public at private schools sa bansa na maging istrikto sa pagpapatupad ng food safety standards sa mga kainan sa loob ng kanilang paaralan.

Ayon kay Briones, ito’y upang hindi na maulit pa ang naganap na food poisoning incident sa Imus Institute sa Cavite, na nakapambiktima ng may 40 estudyante.

Nilinaw naman ni Briones na noon pa man ay may umiiral ng kautusan ang departamento hinggil sa mahigpit na food safety standards ngunit hindi nito sakop ang private schools.

Hinikayat din ng kalihim ang private schools na kahit na hindi sila sakop ng kautusan ay maging mahigpit din sila pagpapatupad ng food safety standards sa cafeteria sa kanilang paaralan, partikular na sa preparasyon, pagluluto, pagsisilbi at pag-iimbak ng mga pagkain.

Giit ng Kalihim, mahalagang may sapat na kasanayan ang mga canteen personnel sa tamang paghawak ng mga pagkain na ibinebenta sa mga mag-aaral.

Dapat rin aniyang may monitoring team para matiyak na sumusunod ang mga ito sa food safety standards.

110

Related posts

Leave a Comment