INANUNSYO ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na “partially lifted” na ang deployment ban ng overseas Filipino workers sa Ethiopia.
Base ito sa inilabas na resolusyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) makaraang ibaba sa Alert Level 2 ang Ethiopia mula sa dating Alert Level 4.
Nobyembre 2021, idineklara ng POEA ang total deployment ban sa Ethiopia matapos itaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 4 ang sitwasyon doon.
Sa ulat, sa Alert Level 4, isasagawa na ang evacuation at mandatory repatriation ng mga Pinoy.
Sinasabing ang kaguluhan sa Ethiopia ay bunga ng laban ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF) at Federal Government of Ethiopia. (CHRISTIAN DALE)
107