DEPLOYMENT NG SUNDALO SA ME PINIGIL

SUNDALO-8

PINIGIL kahapon ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana ang plano ng gobyerno na mag-deploy ng dala-wang batalyon ng sundalo sa Middle East kaugnay ng repatriation ng Overseas Filipino Workers bunsod ng US –Iran tension.

Ayon kay Lorenzana, ito ay bunsod ng posibleng peligro sa sitwasyon sa mga bansang pupuntahan bukod pa sa makasisikip ang mga sundalo sa barkong pagsasakyan ng mga ililikas na OFWs.

Pahayag pa ni Lorenzana na siya ring chairman ng committee on the repatriation of Filipinos in the Middle East, iminungkahi nila kay Pangulong Duterte  na huwag nang ituloy ang deployment ng Philippine Marines at Philip-pine Army.

“DFA, Sec. Cimatu and the DOLE commented that it may not be wise to send uniformed servicemen to the Middle East due to the sensitivities of the countries there,” paliwanag pa ng kalihim.

Dahil dito ay napagpasyahan na magpadala na lamang ng small contingent o kumpanya ng sundalo sa halip na dalawang batalyon at kailangan na hindi sila armado at nakasibilyan lang.

Samantala, may 12 OFWs mula Baghdad, Iraq ang nakatakdang lumipad patungong Doha, Qatar at doon sasa-kay ng Qatar Airways flight patungong  Manila. Naantala lamang umano ang uwi ng OFWs dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal. (JESSE KABEL)

199

Related posts

Leave a Comment