(NI BERNARD TAGUINOD)
NASA kamay na ng mga senador ang desisyon sa pagtatatag ng Department of Resilience dahil tiniyak ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na makakapasa ang panukala ngayong 18th Congress.
Ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda ang pahayag sa gitna ng kalamidad sa Itbayat, Batanes na nilindol noong Sabado ng madaling araw na ikinamatay ng walo katao at pagkasugat ng mahigit 60 iba pa.
Noong 17th Congress, partikular na noong Oktubre 2018, ay pinagtibay ng Kamara ang nasabing panukala subalit hindi ito inaksyunan ng mga senador kaya hindi naging batas.
Sa ngayon ay may 7 panukalang batas na nakahain sa Kamara ngayong 18th Congress na kinabibilangan ng House Bill No. 30 na inakda ni Salceda kaya hindi na aniya ito dadaan sa butas ng karayom sa nasabing Kapulungan dahil naaprubahan na ito noong 17th Congress.
Sinabi ng mambabatas na kailangan na kailangan na ang nasabing departamento lalo na’t palakas ng palakas ang mga bagyong nararanasan ngayon ng Pilipinas bukod sa mga lindol tulad ng nangyari sa Itbayat, Batanes.
Kapag naisabatas ang nasabing panukala, ililipat sa DDR ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), Geoscience ng Mines and Geoscience Bureau (MGB), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pa sa DDS.
“The Philippines is beset by disasters, emanating from both natural and human-induced hazards. However, it is the former that has been the constant threat to life and property due to frequency and unpredictability. It has been said time and again that the Philippines is a hotbed of disasters due to its geographical location: it is withing the pacific ring of fire as well as an entry-point to an average of around 20 tropical cyclones, some of which are highly destructive,” ayon sa panukala ni Salceda.
252