PATULOY na nakikipag-ugnayan sa Danish authorities ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nadamay na Filipino sa nangyaring train crash sa Denmark.
Ayon sa ulat, umakyat na sa 8 ang patay at 16 ang sugatan matapos maaksidente ang tren sa tulay na nagdudugtong sa mga isla ng Zealand at Funen.
Halos 12,000 ang Pinoy na nasa Filipino Community sa Denmark ayon sa record ng DFA.
“Ambassador to Denmark Jocelyn Batoon-Garcia reported to the Home Office that Philippine Honorary Consul General Poul Krogh is checking with Danish authorities if any of the 12,000 members of the Filipino Community in Denmark are among the victims of the accident,” ayon sa DFA
125