DFA NASA ALERT LEVEL 2 SA SUDAN CRISIS

DAF12

(NI KIKO CUETO)

ITINAAS  ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Sudan kasunod na rin ng patuloy na civil unrest sa Khartoum at ilang mga lugar.

Kasabay ito ng babala na huwag bumiyahe sa naturang bansa dahil sa mga kaguluhan.

Sa kasalukuyan, ayon sa talaan ng DFA, mayroong 3,000 Filipino na naninirahan o nagtatrabaho sa naturang bansa.

Sa ilalim ng kanilang advisory, hindi pinapayagan ang mga Pinoy na magpunta sa nasabing bansa.

Ang Alert Level 2 ay inilalabas kung may banta sa mga buhay, security at properties ng mga Filipinos dahil sa instability sa isang bansa.

“Filipinos who remain in the country where Alert Level 2 is in effect are advised to restrict non-essential movements, avoid public places and prepare for evacuation,” sinabi ng DFA.

Sinabi naman ng Department of Labor and Employment, na papayagan lamang nila ang mga bumabalik na Pinoy sa Sudan na may kasalukuyang employment contract.

Kung nangangailangan naman ng tulong ang mga Pinoy,  maari lamang na tawagan ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt sa kanilang number: (+202) 252-13062.

Maaari rin na tawagan sa Philippine Honorary Consul sa Khartoum sa telepono na (+249) 183-468717 sa sa (+249) 183-468716.

 

 

 

208

Related posts

Leave a Comment