DFA WALANG NILABAG SA PAGBAWI SA DIPLOMATIC PASSPORT  

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nilalabag na anumang batas sa pagkansela ng lahat ng courtesy diplomatic passport kung saan kabilang ang hawak ni dating Foreign Affairs Secretary Alberto Del Rosario.

Sa kanyang twitter account nitong Lunes ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinabi nito na bilang dating undersecretary ng department of foreign affairs hindi masasabing unlawful o labag sa batas ang kanselasyong ito ng diplomatic passports.

Ayon kay Locsin, hindi obligado ang DFA na mag-isyu ng mga diplomatic o blue passport.

Aniya, ito ay courtesy o paggalang sa dating mga opisyal nito at mga diplomat para hindi sila harangin ng Immigration ng ibang bansa at hindi rin naman aniya ito nagbibigay ng diplomatic immunity.

Magugunitang nitong nakaraang Biyernes (Hunyo21) hinarang at pinigilan ng mga awtoridad sa Hongkong International Airport si Del Rosario dahil sa paggamit ng diplomatic passport.

Ito ay dahil ang diplomatic passport ni Del Rosario ay inisyu noong panahon ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay.

Sinabi pa ni Locsin, pagkatataon din ito para maisaayos ang patakaran ng DFA sa pag-iisyu ng ganitong klase ng pasaporte.

 

275

Related posts

Leave a Comment