(NI AMIHAN SABILLO)
MAPASASAKAMAY na ng mga retiradong pulis ang P86,876 na kanilang pension differential sa Hunyo 29.
Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac kung saa ang halaga umano ay katumbas ng kakulangan sa dating tinatanggap na pensiyon ng mga retiradong pulis para pumantay sa bagong monthly basic pay scale ng mga pulis epektibo mula Enero 1, 2019.
Sinabi pa ni Banac na ang bagong “adjusted” na pensiyon ng mga retirado ay kanila namang matatanggap epektibo sa darating Hulyo 16.
Alinsunod umano ito sa Congress Joint Resolution No.1 series of 2018, na nag-awtorisa sa pagtaas ng pensiyon ng mga retiradong pulis.
Ang P21.679-billion ang ni-release ng Department of Budget and Management (DBM) para dito mula sa P28.053-billion ay ni-request ng PNP at ngayon ay inihahanda na ang computerized payroll para ma-credit ang kaukulang halaga sa mga ATM accounts ng mga pensiyonado.
505