DIOKNO PIPIGAIN SA DAGDAG-SAHOD

diokno200

(NI NOEL ABUEL)

MAY panawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na agad aksyunan ang pagharang ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagpapatupad ng ikaapat na bahagi ng Salary Standardization Law (SSL).

“Siguro ang mga abogadong kagaya ko are in the better position to say whether it is constitutional or not,”  ani Drilon.

Sinabi pa nito na may sapat na batayan upang ipatupad ang dagdag sahod dahil nakasaaad ito sa Executive Order ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Maliban pa dito, kahit pa umano reenacted ang budget ng unang bahagi ng 2019, nakasaaad naman sa 2018 National Budget ang paggamit ng pondo sa ilalim ng Miscellanous Personnel Benefit Fund (MPBF).

“May batas authorizing the salary standardization increase, ‘yan po ay pinirmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino bago siya umalis. 2nd, meron pong savings, sa 2018 malaki ang savings sa MPBF na isang lump sum amount na nakalagay sa 2018. Ako ay sigurado na di pa nauubos ito,” paliwanag pa ni Drilon.

Dahil dito, hindi umano maaaring i-hostage ni Diokno ang mga senador at apurahin ang approval ng 2019 National Budget.

“Dapat po pakialaman ng Pangulo ito, di lang po si Sec. Diokno ang dapat mangasiwa kundi si Sec. Medialdea. Nananawagan kami kay Sec. Medialdea to review this act of Sec. Diokno,” giit ng senador.

“Hindi pwedeng i-hostage ang delay sa approval ng 2019 budget, di po tama yan at di dapat gawin,” dagdag nito.

Ganito rin ang panawagan ni Senador Bam Aquino kung saan hindi umano katanggap-tanggap na patuloy ang pagmamatigas ng DMB na ilabas ang nasabing pondo.

 

 

 

231

Related posts

Leave a Comment