DoH NAGBABALA KONTRA HEAT STROKE

heat stroke12

(NI DAHLIA ANIN)

SA pagpapatuloy na pagtaas ng temperatura ngayong tag-init, nagbabala sa publiko ang Department of Health (DoH) laban sa heatstroke.

Sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque III, pinapayuhan niya ang publiko na umiwas muna sa mga aktibidad na gagawin sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw dahil maari itong magresulta sa heat exhaustion at pagkatapos ay heat stroke.

Ang pag-inom ng maraming tubig ay isang mabisang paraan upang makaiwas dito. Dagdag pa niya, iwasan muna ang paglabas at paggawa ng mga ehersisyo mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon dahil ito ang pinakamainit na oras sa panahong ito.

Inilahad din ng ahensya ang sintomas ng heatstroke tulad ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, mataas na lagnat, mabilis na tibok ng puso at pagkahimatay.

Pinayuhan din ni Duque na magpadala agad sa  inakamalapit na ospital kung sakali makaramdam ng mga ganitong sintomas upang malapatan agad ng lunas bago pa ito magkaroon ng ibang komplikasyon na maaring ikalala nito at ikamatay ng pasyente.

Nagpaalala rin si Duque sa mga pagkain, dahil ngayong tag init ay madaling mapanis ang ilang pagkain kaya siguruhing, maayos at malinis ang pagkakaluto nito at maging maingat sa pagkain kapag nasa labas ng bahay.

 

284

Related posts

Leave a Comment