(NI KIKO CUETO)
NANGAKO ang Department of Justice (DoJ), na sisiyasating maige ang lahat ng datos at record ng rape-murder convict na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez habang nasa loob ng piitan.
Ito’y upang malaman kung eligible siya sa maagang pagpalaya dahil sa good conduct.
Ayon kay Justice Undersecretary and Spokesperson Markk Perete kasunod ng public outcry sa sinasabing napipintong paglaya dahil sa bagong batas na nagpapabilis sa jail time service basta’t mabait.
“While potential na beneficiary si mayor Sanchez and many others, the evaluation of record will also be the determinant noong entitlement nila sa benefits ng batas,” pahayag niya sa DZMM.
“What we can assure the public is yung benefits ng batas will be given only to those entitled. We will scrutinize the records, make sure hindi mabibigyan ng benepisyo yung ‘di karapat-dapat,” dagdag nito.
Lumutang ang reklamo laban sa pagpapalabas kay Sanchez kung kwalipikado siya sa good conduct nang mahulihan siya ng P1.5 million na halaga ng shabu na nakatago sa estatwa ng Blessed Virgin Mary sa loob ng kanyang piitan noong 2010.
Nakakuha rin ng airconditioning unit at isang flat-screen TV sa raid noong 2015.
“If ever these reports are confirmed, and again this is subject to evaluation and re-evaluation ng monitoring team natin, once they are confirmed then pwede natin masagot kung entitled siya (we can answer if he’s entitled) to the deductions in the first place,” sinabi ni Perete.
Dagdag ni Perete, ang evaluation ay matatagalan dahil may 11,000 detainees na siyang pasok din dito.
121