DPWH: PINAKAMASAMA KALSADA SA REGION 8

TINIYAK ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga senador na tutulungan nitong isaayos ang mga kalsada sa lalawigan sa Region 8 na itinuturing na may ‘worst road condition’ sa buong bansa.

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee sa 2023 budget ng DPWH, inusisa ni Senador Imee Marcos si Sec. Manuel Bonoan kung ano ang magagawa nito para matulungan ang mga probinsya na maisaayos ang mga kalsada para maabot ng mga turista.

Ayon kay Marcos, nananatiling problema ang insurgency sa Eastern Samar, Northern Samar, at Western Samar kung kaya’t napag-iiwanan ito ng proyekto ng DPWH tulad ng pagsasaayos ng kalsada.

Ani Marcos, noong nakalipas na araw, dalawang sundalo ang iniulat na nasawi sa Eastern Samar habang isang 10-anyos na paslit ang sugatan dahil sa encounter ng mga armadong grupo at mga pulis kung kaya’t walang contractors ang nais gumawa ng road constructions dahil sa pangamba.

Apela ng senador kay Bonoan na gumawa ng paraan upang matulungan ang Region 8 na makaahon mula sa pagiging pinakamasamang road conditions.

Tiniyak naman ni Bonoan na gagawa ito ng paraan tulad ng paghingi ng tulong sa engineering brigade ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makatulong sa pagsasagawa ng proyekto.

“We have a big program to rehabilitate Daang Maharlika highway from Cagayan all the way to Davao under PBMM to provide for a needed passing to Davao,” sabi ng kalihim.

Nabatid na ang nasabing kalsada ay may layong 3,000 kilometro na inaasahang makakatulong sa Region 8 at mamamayan nito. (NOEL ABUEL)

250

Related posts

Leave a Comment