(NI KIKO CUETO)
TATANGGALAN ng lisensya ang lalaking nag-viral sa social media dahil sa pagmamaneho sa kanyang sasakyan habang nasa passenger seat.
In-upload ni Miko Lopez ang video sa social media, subalit bago pa niya ito mabura, nai-save na rin ito ng Department of Transportation (DOTr).
“His license will be revoked, and he will also be disqualified from applying for a driver’s license again in the future,” anila sa kanilang Facebook page.
Sa video, makikitang nagmamaneho si Lopez ng kotse nang hindi nakaupo sa upuan ng driver kundi sa tabi nito.
Nauna nang ipinunto ng DOTr ang video ni Lopez, at nanawagan sa publiko na huwag tularan ang ginawa nito.
Kabilang sa mga ikakaso sa kanya ay reckless driving, hindi pagsusuot ng seat belt, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Kakasuhan din ng illegal modification si Lopez dahil sa isa pa niyang video kung saan tinanggal nya ang manibela ng kotse saka niya minaneho.
117