DU30 HIRAP SA IUUPONG BAGONG PNP CHIEF

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na nahihirapan si Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng itatalagang hepe ng Pambansang Pulisya matapos ang kontrobersiya laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde.

Sinabi ni Go na hanggang ngayon ay naisumite na sa Pangulo ang lahat ng impormasyon hinggil sa mga contender na kabilang sa shortlist ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano at masusi niya itong pinag-aaralan.

“Lahat ng impormasyon sa 3 (contenders), naparating na po sa Pangulo at talagang pinag-iisipan niya ng malalim. Si Pangulo hindi pa nakakapili, ibig sabihin pinag-iisipan nya ng maigi at malalim. Totoo ang sinabi ng Pangulo na even you are the goat of your class, ibig sabihin sa academics pinakamababa pero ang hinahanap nya ay honest alam mo sabi nga nya hirap maghanap ng honest dito sa Pilipinas,” saad ni Go.

Ipinaliwanag ni Go na ayaw nang magkamali ni Duterte lalo pa’t naging matindi ang mga problemang pinagdaanan ng organisasyon.

Ipinahiwatig din ng senador na posible ring manggaling sa iba pang mga heneral maliban kina PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy chief for operations Lieutenant General Camilo Cascolan, at Chief of the Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar ang itatalagang hepe.

“Si Presidente has the prerogative to choose among the one star generals po na nasa PNP. Ibig sabihin posibleng lumabas siya sa 3 na kanyang pipiiin. Ang hinahanap ng Pangulo is the most honest man na makakapagdala sa PNP,” diin pa ni Go.

299

Related posts

Leave a Comment