(NI ABBY MENDOZA)
MALAKI ang papel na gagampanan ng Kongreso sa administrasyong Duterte sa harap na rin ng banta ng impeachment.
Dahil dito, nangangailangan ng matatag na lider lalo sa House of Representatives.
Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple mainit ang usapin ng West Philippine Sea (WPS) at ang banta ng impeachment hanggang sa huling nalalabing tatlong taong termino ng Pangulo kaya dito papasok na dapat mayroon itong maaasahang lider sa Kamara.
Ani Casiple hindi man aminin ng Pangulo ay nararapat na personal pick nito ang magiging House Speaker ng Kamara.
Ang Makabayan Bloc ang siyang nagbanta na mangunguna sa paghahain ng impeachment kay Duterte kung saan ang kanilang magiging basehan ay ang naging statement ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang pagpayag ng administrasyon sa mga Chinese fishermen sa Philippine Exclusive Economic Zone ay malinaw na paglabag sa Konstitusyon.
426