DU30 NAGSAGAWA NG SORPRESANG INSPEKSIYON SA NAIA

duterte32

(NI BETH JULIAN)

DAHIL sa madalas na pagkakaroon ng delayed at cancellation of flights, nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Alas-2:00 ng madaling araw nang biglang sumulpot ang Pangulo sa nasabing airport matapos makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa patuloy na nararanasang pagkaantala at kanselasyon ng flights gaya nitong Linggo ng gabi dahil sa itinaas na ‘red lightning alert’.

Kasama ni Pangulong Duterte na nag-ikot sa paliparan sina MIAA GM Ed Monreal, CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco, Rep. Martin Romualdez, at Davao businessman Sammy Uy.

Dito ay agad na hinarap at pinagpaliwanag ng Pangulo airline at NAIA officials.

Inalam din ng Pangulo kung  nagkaroon ng flight diversions maging kung binigyan ng insentibo ang mga naapektuhang pasahero para mabawasan ang inconvenience na kanilang dinanas.

Sa harap din ng mga pasahero, humingi ng paumanhin at ipinangako ng Pangulo na lulutasin ang problema sa loob ng isang buwan.

Inatasan din ng Pangulong Duterte ang manager ng Philippine Airlines at duty airport manager sa NAIA-Terminal 2 na ipinaliwanag ang mga hakbang na ginagawa para maibalik sa normal ang sitwasyon.

Samantala, tinitingnan na rin ang mga hakbang ng Department of Transportation (DOTr) upang mabawasan ang epekto sa biyahe at problemang dulot kapag nakararanas ng malakas na buhos ng ulan sa paliparan.

 

115

Related posts

Leave a Comment